“Tapusin na lang natin ‘tong contract, Claude, okay?” Kinukumbinsi ko siya habang nag midnight snack kami rito sa garden balcony ng kuwarto. Umiinom pa rin siya ng beer. Nagsapin lang kami rito sa lapag para hindi kami lamigin. Siniksik ko siya at ipinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat. “So, magbabawas pa tayo nang kakaunting oras?” tanong niya. “Hindi ka naman nawawala sa puso ko.” “It always sounded so easy for you,” anito. “Hmm, hindi naman, Claude, we are married na,” Ipinakita ko sa kanya ang singsing ko. “It means, it build more trust.” Tiningnan niya ‘ko. “I’ll marry you much bigger and grand after this.” Nangiti naman ako nang husto. “Bakit naman kailangan pa nang bigger?” “To let them know,” aniya. Nangiti ako lalo. “Mahal na mahal mo ‘ko ‘no?” Tiningnan niya

