“Crystal, are you still not comfortable with me?” tanong ni Calvin. Nakangiti naman ‘to pero hindi magawa ni Crystal na maging komportable. Siguro dahil gustong-gusto niya ‘to. “S-sorry,” aniya. Nangiti lang si Calvin. Gusto niyang malaman kung ano ang cologne nito. Kahit anong side niya ‘to tingnan ay nai-inlove siya rito kaya hindi niya ‘to gustong tinititigan nang matagal. Kahit pa nga napakarami nitong tattoo ay hindi ‘yon nakabawas sa pagkakagusto niya rito, kung tutuusin lalo niya ‘tong nagugustuhan dahil doon. Gusto nga niyang alamin ang mga tungkol sa tattoo nito. Pero hindi naman siya katulad ni Florine, siguro i-reject lamang siya nito nang isang beses ay mahihiya na siyang magpakita rito. Bukod do’n, hindi malakas ang loob niyang magpapansin sa lalaki dahil nahihiya nama

