“Daddy, bantayan mo muna ‘yong mga bata may pupuntahan lang akong party.” Ipinatong ko ‘yong baba ko sa balikat ni Claude. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng kamay dahil katatapos lang namin mag-breakfast. “Party?” tanong niya. “Yes, hindi naman ako magtatagal. Basta kilala mo ‘yong friend kong si Chanel na-invite niya ‘ko.” “Hindi puwede ang bata?” tanong niya. “Hmm, ‘wag na alam mo naman mahirap silang habulin kapag may takong.” Hindi siya kumibo. “Please, daddy?” Niyakap ko pa siya sa likuran. “Susunduin kita." Humarap siya sa ‘kin kaya nabigla ako pero huminahon ako. Kinakabahan ako. “Hmm, ‘wag na, isasama ko na lang ‘yong driver.” Nakakunot ang kanyang noo. Pero bumuntong-hininga naman siya at tumango. “Narito ka na by dinner time?” tanong niya. Umiling ako. “Mauna na kayon

