“So, ano naman ang say ng husband mo sa plano mo?” Sinusukatan ako ni Chanel no’n at ginawa niyang extra-special ang time niya para sa ‘kin. Pinuntahan ko lang siya rito sa house niya kahit family day nila ang Sunday. “Naistorbo pa kita,” sabi ko sa kanya. Tinitingnan ako ng anak niya at ngiting-ngiti siya sa ‘kin. “May tatlo akong anak, matutuwa kang kalaro iyong dalawa. Iyong isa baka paiyakin ka lang,” sabi ko sa anak ni Chanel. Natawa naman si Chanel sa sinabi ko. “Wala siyang kalaro kung narito sa bahay pero sobrang spoiled naman ‘yan ng daddy niya.” Nangiti ako sa sinabi niya. “Tingin ko rin ang mga daddy ay mahilig mang-spoiled.” “Done, magkuwentuhan muna tayo,” sabi ni Chanel nang matapos akong sukatan. “Pero gagawin ko na ‘to habang nagkukuwentuhan tayo. Dadalhin naman ‘yan

