CLAUDE Mahal na mahal kita. Mas magiging masaya ka ba kapag namatay ako? Kahit anong sabihin ko sa sarili ko na kakalimutan na lang kita hindi ko magagawa dahil mas mabuti pang mamatay kesa makita kitang masaya sa iba. Kahit na sobra-sobra mo 'kong nasasaktan para ‘kong tangang gustong umasa pa rin na nanaginip lang ako ngayon, maya-maya magigising din ako sa bangungot na ‘to, o katulad kay mommy, iyong iniisip kong panaginip lang sinampal din ako ng realidad pagkatapos. Hindi ko alam kung gaano ba kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ko na nga masusukat pa, I’m badly broken now. Parang mas magiging masakit pa sa mga darating na araw ang daranasin ko kung hindi ko kaagad ‘to sosolusyunan. Hindi mawala sa utak ko ang paulit-ulit na sinabi niya sa mensahe niyang ‘yon! I can'

