CLAUDE Kung saan-saan ako nakarating, ilang beses akong muntik mabangga pero ayoko namang mandamay ng iba. Nagpahinga pa ‘ko malapit sa isang tulay, inisip ko ngang magpakamatay na lang pero hindi ko na naman magawa dahil biglang dumating sa isipan ko ang mommy ko. Palaging kapag gusto kong mamatay ay tila siya nagiging tunay na taong ngingiti sa ‘king imahinasyon. Bumalik lang ako sa sasakyan at doon inubos ang oras ko. Nasasaktan pa rin ako, hindi na halos mag-function ang isipan ko. Hindi ko mapaniwalaan na ‘yong pagsasama naming masaya nitong bago kami magkahiwalay ay wala na lang pala sa kanya para ‘kong masisiraan ng ulo. Iyon ang mga araw na mas naging masaya kami, mas nakita ko siyang naging masaya, pagkatapos lahat pala ‘yon ay walang katotohanan? Bakit kung kailan mas ibinig

