Mayroon kaming interview. Isang sexy dress na makinang na puti ang isinuot ko. V-cut siya kaya kita ang cleavage ko. Pinaayos ko rin ang buhok ko pero dahil mahilig ako sa bun ay ganoon pa rin, iyong mismong pagkakaikot lang ay ginawang artistic. Nag light make-up lang din naman ako kahit ang sexy ko talaga, binagayan ko rin ng white stiletto ang suot kong dress and white clutch bag na rin. Isa ‘yong talkshow kaya habang papasok ako sa pasilyo ng GIANTS ay paulit-ulit ko nang sinabi sa sarili ko na kailangan kalmado lang ako, baka kasi magkaroon ng tanong tungkol sa ‘ming nakaraan ni Claude. Si Claude na binabaliw na ‘ko, malapit na talaga ‘kong tumawa mag-isa sa isang sulok habang iniikot-ikot ko sa daliri ko ang buhok ko. Mayroon naman akong tatlong kasamang P.A. hired P.A. sila ni

