Nang magising ako ay madaling-araw pa. Bumaba ako para magkape at sakto naman na gising pala si Ruki at napalingon pa nga sa ‘kin nang dumating ako. “Gusto mong magkape? Tamang-tama, sobra ‘tong nagawa ko,” aniya. Tumango ako. Nang maihanda niya ang kape ay tumungo kaming dalawa sa garden para doon maupo at magpahangin. Alas-tres y media na, tahimik pa rin ang paligid. “May problema ka?” tanong niya nang makahigop ng kape. Nangiti ako sa kanya. “Hmm, hindi ko alam kung dapat ko ring problemahin ‘yon.” Iniangat ko ang tasa ng kape at humigop. “Tungkol kay Claude?” “May iba pa ba?” natawa ‘ko. “Anong plano mo?” tanong niya. “Ibalik pa rin siya sa GZ.” “Pero kung hindi na talaga niya gusto dapat ba nating ipilit?” Parang nabigla naman ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya. “

