Pinipilit akong kausapin ni Claude pero hindi ko na siya pinansin. Nauna rin ako sa isang umalis kahit ang bilin sa ‘kin ni Takumi ay susunduin niya ‘ko pero nakalimutan ko nang sabihin dahil sa pagmamadaling iwasan si Claude. Hindi na muna ako nagbukas ng internet o kahit na ano. Kahit siguro sa darating na interview hindi ako pupunta makapagdahilan na lamang na may sakit ako. Kung noong nakaraan nahihirapan ako magdesisyon kung paano ko pipiliin si Claude nang ‘di ko kailangan iwanan ang GZ. Ngayon, hindi ko alam kung anong iisipin ko matapos kong malaman na si Laurice at Claude ay nagkikita pa rin pala at mayroong mga taong may alam, pakiramdam ko palihim tuloy akong napagtatawanan. Nang makauwi ako ay may tao naman pero hindi maingay. Hinanap ko kung sino ang naroon at nakita k

