Nagmamadali si Claude, humaharurot ang kanyang sasakyan. Napapamura siya dahil sa tindi nang galit. No'ng nakaraan, may ganoon nang nangyari bakit mayroon uli? Hindi na dapat palampasin iyon, hindi na puwede, kung makikita niya kung sino 'yon, wala na siyang pakialam kung makapatay pa siya!
Samantala, nagpapahinga na si Yuki, mukhang trauma iyong pangyayari para rito. Baka matakot na 'to sa kaunting kaluskos, kailangan nang GZ mag-isip nang mabuti kung ano ang magiging desisyon nila.
"Makilala ko lang talaga kung sino 'yang hay*p na may kagagawan nito, dudurugin ko lahat nang buto niya at bubugbugin ko siya nang matauhan siya!" Gigil na gigil na sabi ni Takumi.
"Huminahon ka, mas kailangan nating kumalma sa oras na 'to para mas makapag-isip tayo
Nakarinig sila nang doorbell,baka iyon na ang mga pulis. Kaagad silang lumabas tatlo. Pagkabukas nila ay nabigla sila kung sino ang nasa labas ng gate.
"Claude--" gulat na sabi ni Blue.
Tiningnan ni Claude ang tatlo, good thing mukhang walang masamang nangyari sa mga ito.
"Nasaan si Yuki?" tanong ni Claude.
"Nagpapahinga siya, bakit narito ka?" tanong ni Takumi.
"Titingnan ko kung kumusta siya--"
"Maayos naman siya, nagulat lang, hindi mo na kailangan mag-alala. Bumalik ka na sa RSYND." Mariing sabi ni Takumi.
"Hindi ko ba puwedeng makita si Yuki?" seryosong tanong ni Claude.
Natapik ni Ruki si Takumi, tumango ito at parang sinasabing hayaan na lamang.
"Saglit lang, pagkatapos umalis ka na rin kaagad," sabi ni Takumi.
"Saan ang kuwarto ni Yuki?" tanong ni Claude."Sa unang pintuan pag-akyat nang hagdanan," si Blue ang sumagot.
Nang umakyat ma si Claude ay nagkatinginan sila pagkatapos.
"Nag-aalala pa rin siya kay Yuki," sabi ni Blue.
"Sana nga mas tumino na ang isip ni Claude para malaman niya ano mawawala sa kanya kapag hindi niya iningatan pa si Yuki," ani Takumi.
Nang mabuksan ni Claude ang kuwarto ay balot na balot sa kumot si Yuki. Kaagad niya 'tong dinaluhan. Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok nito.
Wala itong kahit na anong galos naman.
Nakahinga na siya nang maluwag nang tuluyan dahil nga ligtas nang mga ito sa trahedya.
"Pinag-alala ninyo ako nang husto."
Hinalikan niya 'to sa noo.
"Hindi ko na 'to palalagpasin, I'll surely let them pay for what they did." Gigil na aniya.
Panay ang haplos niya sa buhok nito. May pagkakataon gagalaw ito, uungot at tila nananaginip. Kapag ganoon, niyuyugyog niya 'to saglit at magiging maayos na ang hitsura nito.
Hinintay niya 'tong magising. Nagulat pa nga ito nang makita siya.
Napabangon kaagad si Yuki.
"Claude? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Yuki.
"Nalaman ko 'yong nangyari kaya pumunta ako." Kaswal lang ang pagsagot ni Claude.
"Kumusta?" tanong ni Claude.
"H-hindi naman ako nasaktan," ani Yuki. "N-nakakatakot lang talaga sobra," nagsimulang manginig si Yuki. "Biglang sumabog, hindi ko alam kung bakit may gumawa no'n, kung anong plano nila, nakakatakot sobra," naiiyak na sabi ni Yuki.
Kaagad naman 'tong dinaluhan ni Claude at niyakap.
"Huminahon ka lang Yuki, mahuhuli din ang gumawa no'n. Sa ngayon, mas panatilihin mo ang kaligtasan mo, 'wag ka na munang maglalabas, maaaring bumalik sila, mahirap makasiguro lalo at hindi naman natin kilala kung sino ang kalaban."
Humigpit ang yakap ni Claude sa kanya kaya naramdaman ni Yuki ang safety sa tabi nito.
Nang mahimasmasan ay tinanong uli ni Yuki kung bakit naroon si Claude.
"Nalaman ko nga ang nangyari," sagot nito.
"Buti may pakialam ka pa sa 'min?" ani Yuki.
Masamang tingin ang ibinigay ni Claude kay Yuki.
Natawa si Yuki, masyado pa rin 'tong matalim tumitig.
"Paalis na rin ako," ani Claude.
"Bakit hindi ka pa dito kumain, kumain ka na muna, paniguradong wala kang nakakaing masarap nitong mga nakaraan."
“Hindi na baka hindi pa kayo makakain nang maayos lahat,”
“Hindi ‘no! Ang drama mo naman, dali na, kumain ka na, para ka namang bago.”
Natatawa nang lihim si Yuki.
Napapayag niya ‘to, sa umpisa napakatahimik nang mesa.
Nakakatuwa na napapansin ni Yuki na hindi talaga mabubuo ang GZ kung kulang ng isa.
Masaya ngayon sa kanyang pakiramdam na makitang buo ang GZ, sana ay bumilis ang oras at tuluyan na nila itong mabawi.
“Kumusta naman ang buhay RSYND?” tanong ni Takumi.
“Maayos naman,” sagot ni Claude.
“Mukha ngang sobrang saya mo.”
Natigilan si Claude at napailing. Hindi na ‘to nagsalita pa.
Nang matapos ang kanilang tanghalian ay umalis na rin si Claude.
“Hindi mo talaga maintindihan minsan ang iniisip ni Claude,” nangingiti si Yuki nang ibulong ‘yon sa kanyang sarili.
Nang makabalik si Claude sa lugar ng RSYND ay gising na ang mga ito.
“Aga mong nawala, ah,” si Calvin ‘yon naka-boxer lamang ito.
“Nabalitaan mo ba ‘yong nangyari kila Yuki?” tanong ni Claude dito.
Nangunot ang noo nito. “Hindi, ano ba ‘yon? Hindi pa kami nanonood at kagigising-gising lang namin.”
“May nagpadala ng regalo sa kanila at sumabog ‘yon, mabuti na lamang at walang nasaktan.”
“Oh?” ani Calvin. “Good for them, malakas sila sa Diyos.”
“Gusto kong malaman sinong gumawa no’n” Naikuyom ni Claude ang palad.
“Bakit naman? Hindi mo na ‘yon problema,” ani Calvin.
Lalong nairita si Claude sa naging sagot ni Calvin.
“Okay, okay, I’ll find that culprit.” Walang labang sabi ni Calvin.
“Ako ang bahala sa kanya kapag nahuli mo na.” Halatang galit na galit si Claude.
“Wooah! Iyan ang gusto ko sa ‘yo kapag gumagamit ka nang dahas. Ako nang bahala, for sure magiging maganda ang show na ibibigay mo sa ‘kin oras na mahuli na siya. Siguraduhin mong hindi mo patatawarin.” Natawa si Calvin.
Nang umuwi sila ay marami na ang kanilang bodyguard. Lahat iyon ay ipinadala ni Adam, nasa sampu ang mga ito. Nang malaman nitong muntikan nang may masamang mangyari lalo kay Blue hindi ito mapakali at hindi mapapayagan na hahayaan itong walang bodyguard. Handa itong gumastos kahit gaano kalaki huwag lang masugatan man lamang si Blue.
Pero wala namang laban ngayon, parang selebrasyon lamang sa papalapit nang katapusan nang Global Rock Award. Iyong iba na naalis na ay nakabalik para mag perform, halos lahat ay naroon pa rin at masayang-masaya ang gabing iyon.
Pero todo ingat pa rin sila Yuki, mahirap na.
Maraming nakipag-usap sa kanila, nakitawanan at nagpakilala.
Masaya naman magkaroon nang bagong kakilala sa paningin ni Yuki.
Mas lalo kasing lumalaki ang pakiramdam niya sa kanyang mundo kapag marami siyang bagong nagiging kakilala.
Marami rin nagpa-papicture sa kanila, napapagod na nga si Yuki, gusto na talaga niyang magpahinga at matulog na lamang. Medyo nakakapagod di pala maging sobrang saya.
Hindi nakita ni Yuki si Claude, hindi dumalo ang RSYND, pero normal daw na hindi dumadalo ang mga ito kapag ganoong party. Kaya hindi nakasilay si Yuki, nalanta tuloy ang kanyang dahon.
Mabuti na lamang at nakaisip na rin sila umuwi kaya umuwi na sila nang alas-tres na. Pagod na pagod na silang lahat. Kailangan na nila nang pahinga.
Pero imbis na magsitulog nagkantahan pa sila sa loob nang sasakyan.
Iyong mga kantang hilig nilang kantahin no'ng kasama pa nila si Claude.
Iyong mga kantang nagpapabalik sa kanila sa maganda nilang nakaraan na sana ay maulit uli.
Backseat serenade ang isa sa paborito nilang kanta nila Claude. Kanta iyon nang paborito nilang mga awiting All Time Low. Ang mga kanta kasi nito ay katunugan ng mga awitin ng GZ.
Kahit marunong namang kumanta si Yuki minsan ay may pagkakataon pa rin siyang gusto niya ang boses niya kung sintunado.
Buhay na buhay sa kantang iyon ang lahat sa kanila.
Halos magwala si Yuki sa pagkanta. Favorite niya 'yon lalo kung kinakanta ni Claude.
Natatawa na lamang sa kanya ang mga kasama. Marami pa silang kantang pinatugtog at nag headbang si Yuki.
Hindi niya magawang matahimik, iba talaga kapag iyong mga kanta ng GZ ang maririnig niya, iynog mga kantang kinabaliwan niya at halos sambahin niya. Nang maging mga kanta na kasi ng GZ ang pinapatugtog nila ay hindi niya mapigilan ang kanyang sariling malungkot, matuwa, at mas malungkot pa. Pero hindi niya iyon ipinapakita dahil mukha siyang masayang-masaya sa pagbirit, pakiwari niya rin kasi ay nababawasan ang kanyang dinadala.
Natatawa na lamang sila Takumi sa kanya. Hindi siya nagpapaaawat.
"Yuki, ano ba naman 'yan, okay ka pa?" natatawang tanong ni Takumi. "Suntunadong-sintunado ka."
"Heh! Sumabay ka na lamang kung naiingit ka, Takumi!"
Natawa si Takumi. "Nasisira kasi iyong maganda naming kanta sa 'yo."
"Ang kapal ng mukha mo, ulitin ko pa lahat ng kanta ninyo at ako na ang kakanta, baka mas sumikat pa iyon kompara sa inyong version."
Naging malakas ang tawanan.
Masaya naman si Yuki na masaya ang mga ito kahit pa nga siya naman yong nagmumukhang tanga.
Pero natutuwa rin naman ang kanyang mga kasama.
Sana ay hindi na sila batuhin pa nang napakaraming problema dahil mahihirapan silang umahon.
Ngunit ano mang problema ang dumaan, nangako na sila sa isa't isang sabay nilang lalabanan ang lahat ng 'yon.
Pagdating sa kanyang kuwarto nang makauwi sila ay naramdaman na naman ni Yuki ang kakaibang kalungkutan. Iyong kalungkutan na hindi talaga mabibili ng pera ang pakiramdam?
"Minsan, gusto ko na lamang lapitan si Claude at pagsasampalin baka sakaling mas matauhan pa ang lalaking 'yon!"
Naupo siya sa kanyang kama at nahiga. Magpapahinga muna siya bago magbuhos ng katawan.
"Ano kayang ginagawa niya ngayon?"
"Minsan kaya akong sumagi sa kanyang isipan?"
"Nararamdaman niya rin kaya na hinahanap-hanap niya ako?"
"Marami na kaya siyang babaeng ikinakama?"
"Kapag ba humahalik siya ng iba, naiisip niya ako?"
Natawa na lamang siya sa huling naisip.
"Ang nakakatakot sa lahat, mayroon ba talaga akong extra-ordinary na pagkatao o uniqueness na hindi niya makikita sa iba?" Madalas niyang iniyayabang ang ganda niya, pero alam naman niyang mas maraming magagandang babae sa paligid nito. Pero pinanghahawakan niya na siya lamang ang babaeng minahal nito.
Pero paano kung nagsimula pala itong matutong magmahal noong nakilala na siya?
Parang hindi niya talaga kayang tanggapin kapag nalaman na nagmahal ito ng iba.
Okay pa iyong nakipaglandian ito pero walang mutual feelings na namamagitan na mas malalim.
"Haaaay! Claude Stephen Hartwell, huwag mong susubukan talagang ipagpalit ako sa iba, maghahalo ang balat sa tinalupan!"
"Mahal na mahal kita, pero kailangan mo talaga nang malakas na untog nang matauhan ka naman!"