Naging busy si Yuki at Claude sa iba’t ibang gawain. Bihira silang magkita at magkasama. Nakalimutan na rin ni Yuki ang hula, hindi rin niya masyadong inisip na lalo at maganda naman ang samahan nila ni Claude para pagdudahan pa. Makulit pa rin si Zayn, hindi niya pinapansin ang mga sinasabi nito sa messages kung hindi naman tungkol sa trabaho. Seloso si Claude, pero dama ni Yuki na nabawasan ‘yon. Kinakamusta niya ang GZ at maayos naman daw ang mga ito. Pero bihira, mukhang marami rin kasing ginagawa ang mga ito. Siguro nga, papapahinga na rin sa pagiging isang banda ang GZ. Kung pera lang naman ang dahilan ng mga ‘to, mayayaman na ang mga ‘to dahil lahat din ay galing sa magandang estado nang pamumuhay. May sarili ring ipon at mga pinapatakbo ng negosyo dahil malaki rin ang kinita sa

