“Sobrang dami naman nang ginagawa natin! Bakit kasi tayo nakigulo kay Adam!” sabi ni Zach, nasa pribadong silid sila ng GIANTS na laan para sa kanila. Tila ‘yon isang malaking sala set. Si Spencer ay bored na bored at napipikit sa gilid. Nakaupo ‘to sa lapag na mas trip nito talaga. Si Zach at Chryss naman ay sa kaliwang sofa at si Calvin at Claude naman sa kabila. “Wala kayong magagawa, pero kung gusto ninyo balikan kayo ni Adam sa ginawa ninyo ay ‘wag na tayong sumunod,” sabi ni Calvin. Tila nangilabot si Zach at Chryss. “Huwag mo naman kami ilaglag, Calvin!” sabi ni Zach. Nangisi si Calvin. “Kung ako lang, hindi ko gusto sa Pilipinas. Malayo ‘to kay Yuka.” Dumiretso nang upo si Claude. Kapag nababanggit ang pangalang ‘Yuka’ tila palaging nabibigla ang mga kasama ni Calvin maliba

