Nakita kong nagbihis si Claude. Nakahiga lang ako at tinitingnan siya. Minsan nakakatuwang isiping mag-asawa kami, pero minsan parang kulang pa ang feeling lalo at para kaming teenager na pinagbabawalan. Nagbibihis na siya para umalis. Bumangon ako at naupo sa paanan ng kama. Nilingon niya ‘ko nang maisuot ang T’shirt. “Aalis na ‘ko,” aniya. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo. “See you.” Nginitian ko siya kahit naiinis ako, gusto ko kasing magkatabi kami at sabay natutulog. Alam ko naman may expiration ang contract niya, kaya kailangan ko lang maghintay. Hindi na rin ako teenager para mag demand sa napag-uusapan naman namin. Nang makalabas na siya ay hindi ko na siya inihatid. Ayaw niya na kasing magpahatid. Nahiga na lang uli ako at nag-cellphone. Alam ko naman na pareho kaming n

