Malapit na uli kami magkalayo ni Claude. Kailangan na rin niyang magtrabaho, pero sobrang saya ng Thailand vacation naming dalawa sana makarating pa kami sa ibang bansa sa Asia. Napag-usapan namin ang tungkol sa dahilan bakit hindi ako agad nakadating sa kasal, kaya lalo siyang nag-ingat, mas gusto niyang gawin muna ang mga gawain niya at tapusin. Bumalik din naman kami ng Pilipinas after two weeks, nauna lang siya ng two-days sa ‘kin para hindi halatang magkasama kami. Hinahanap na kasi siya ng RSYND. Nakatira uli ako sa bahay ng GZ, si Claude naa RSYND, bihira kami ngayon magkita dahil nga inililihim naming kami pa rin. Pero dahil nagkaroon ako ng show na isa ‘ko sa judge, nagkikita pa rin kami sa GIANTS building. Hindi rin kami magiging showy kahit nagkikita. Kailangan maging best

