“Claude, nalasing ka ba sa nainom mo?” Lumalayo ako sa kanya. Isa na namang karupukan ‘tong ipinakikita ko, eh. Bumangon ako at nanatili naman siyang nakahiga. “Babalik na ‘ko sa kuwarto ko,” sabi ko. Tiningnan ko pa siya. Nakaharang na ang braso niya sa kanyang mata. “Huy, aalis na ‘ko,” ang epal ko rin, eh. Puwede namang umalis na lamang ako kaagad. Inalis ko ang braso niya at matiim na titig ang ibinigay niya sa ‘kin. Iyong titig na nagpatindig nang balahibo ko. Bumangon din siya at hinalikan ako. Hindi ako tumutol o lumaban dahil nahulog kaagad ako sa sarap nang halik niya. Namimiss ko naman kasi talaga si Claude, ang dami kong inarte sa buhay pero isang halik lamang niya para na ‘kong pinanghihinaan ng tuhod. Ipinasok niya ang dila niya’t nakipaglaro sa ‘king dila. Napaungo

