Nagbabasa na kami ng script, marami na ring scene ang nagaganap. Ang kuwento kasi ay umiikot sa isang buong music club, ako ang bida bilang si Aya, ang babaeng college student na mahiyain at nahihirapang makisama pero hindi naman ako nabu-bully, iyon lamang ang karakter ko ay masyadong sensitive. Ang buhok ko ay naka-pigtail pababa at nakatirintas. Mahilig ako sa mga ipit kaya makulay ang ipit ko sa movie. Si Claude naman ay member rin ng music club, ang pangalan niya rito ay si Dex. Siya naman ‘yong tipikal na sikat pero masungit, bagay na bagay sa kanya kasi siyang-siya ‘yon. Pero kompara sa tunay na Claude, medyo madaldal ang karakter niya at may kayabangan, si Claude kasi ay isang titig lang dapat tumahimik ka na dahil ayaw niya naman nang maingay at magulo. Ang RSYND ay ganoon

