Inaantok ako habang nag browse sa social account ko, hinihintay ko kasi ang sign na nasa Pilipinas na ang RSYND. Binabantayan ko lahat ng account nila. Wala akong ginagawa ngayon, pero ang GZ may iba’t ibang gawain. Napakalamig din, tinatamad naman akong patayin ang aircon, malakas din kasi ang ulan sa labas. Kitang-kita sa glass window ang lakas, favorite na panahon ni Claude ‘yan, paborito niya ang ulan. Nakita ko ang isang mall show na punong-puno ng tao, naroon si Blue bilang guest ng isang clothing line at endorser na rin. Iyong clothing line, sobrang bago niya talaga at two months pa lang siguro simula nang official silang lumabas. Pero kinukulit na nila si Blue kahit nasa planning pa lang sila, six months din siguro. Malaki naman ang offer, tinanggap na ni Blue kaya ngayon boom k

