Iyak ako nang iyak, hindi ko mapigil, sobrang sama nang loob ko, isama pa ‘yong takot ko sa maaring pagkalaglag ng anak ko. Lahat-lahat naiisip ko. Tumawag na si Takumi sa clinic kung saan ako lagi para naka-ready na sila. “Tatawagan ko si Claude, alam na ba niya—“ “Huwag mong tatawagan ‘yon at ‘wag mong sasabihin sa kanya!” sigaw ko. Nagulat siya. “Kumalma ka nga, Yuki, hindi na kung hindi…” “Si Blue, si Blue ‘yong tawagan mo, alam niya ang tungkol dito,” sabi ko. “Huwag na huwag kang magkakamaling tawagan si Claude, sinasabi ko sa ‘yo sabay ko kayong aalisin sa buhay ko!” Lalong lumakas ang pag-iyak ko. “Oo na, sige na, kumalma ka na, baka lalong sumama ang kalagayan mo.” Alalang-alala si Takumi. Galit na galit ako, hindi ako makapag-isip nang maayos. Gusto ko naman talagang kumal

