“We’re home!” Malakas kong sigaw at tuwang-tuwa pa. Siyempre, may baby na inside my tiyan. Sa kitchen ako tumuloy at naupo nang makakuha ako ng tubig at maibaba ko ang mga pinamili sa table. Si Blue naiwanan sa labas dahil may tumawag sa kanya. “Oh, my! kumakanta na ‘ko nang birit na birit nang— “Yuks, hi?” May kumakamusta sa 'kin. Pamilyar ang boses niya, may nagmumulto na yata sa 'kin? Sino ba 'to sa mga kamag-anak ko? Mag uundas na kailangan ko na yatang dumalaw sa sementeryo. Nag sign of the cross ako. “Panginoon, nawa'y bigyan n'yo ng katahimikan ang lalaking tumatawag sa magandang pangalan ko na inilaan mo lamang sa magandang Diyosang katulad ko. Nawa'y paakyatin n'yo siya sa kalangitan upang ako'y hindi na niya gambalain pa dahil baka tumakbo ako sa takot.” Tumatawa ‘yong bos

