“Mag-CR lang ako, saglit na saglit lang ‘wag kayong lalabas,” sabi ng driver sa magkakapatid. “Paulit-ulit ka po,” natatawang sabi ni Heaven. Natawa rin ang driver. “Saglit na saglit lang talaga ako.”Lumabas ‘to at lakad-takbo nga ang ginawa nito. “Magpalit tayo, Angel, wala akong makita rito sa gitna!” sabi ni Heaven. “Wala ka naman makikita puro sasakyan lang, ay!" Napasigaw si Angel nang gumapang ‘to at madaganan ang binti niya. Tuwang-tuwa ‘tong iniusog pa siya. “Heaven!” gigil na sigaw ni Angel sa kapatid. Inalis ni Hell ang kanyang headset. “Napakaingay mo naman, Angel!” Sumimangot si Angel. “Ito kasing si Heaven nakaka-Heaven!” tili ni Angel nang lumabas ‘to. Nagulat din si Hell at kaagad bumaba para sundan ‘to. Lumingon pa ‘to sa kanila bago tuwang-tuwa na kumaway at tum

