Kunwari lang ‘yong malakas ang loob kong kitain si Claude. Pero peste, talaga pala na kailangan ko na siyang harapin. Tumawag sa ‘kin last night ‘yong lawyer ko at for five years, willing na raw si Claude palayain ako at mag-sign ng divorce paper. Talagang napamura ako! Ang kapal naman talaga nang pagmumukha, so, mag-sign siguro ng contract dahil may babae nang gustong pakasalan. Wow! Samantalang ako, nag-aalaga ng mga batang binuo namin! Isa pa, ako ang dapat nagsasabi no’n hindi ‘yong bigla niya ‘kong bibiglain na pipirma na siya after five years na taon-taon ko ‘yong inilalatag sa kanya! Kaya ito na ‘ko ngayon sa sasakyan with my kids, at sasampalin ko mismo si Claude nang divorce paper! Napakakapal nang mukha niya! Saka ano bang pakialam ko kung may babae na siyang pakakasalan? Ayoko

