C6: karera

1663 Words
Kinakabahan ako nang sobra dahil nagtatawag na nang TOP 10 Finalist, parang nagtatayuan ang mga balahibo ko sa sobrang kaba. Wala kasi akong itulak-kabigin sa ‘ming mga kalaban dahil lahat sila ay mga kilala ng banda. Alam kong kaya rin ng GZ, pero ako kasi iyong vocalist, mas malaking tiyansa na ang mga bagong tagapakinig ay unang huhusgahan ang vocalist. “RSYND!” Nang tawagin ang RSYND ay halos mawasak ang stadium. Napakalaking suporta, napakalaking fanbase, at higit sa lahat naroon pa si Claude. Napatingin sa bahagi ko si Claude, aba’t nginisian ako na tila inaalipusta ako! Lalo akong kinabahan, talaga bang hindi kami papasok? Talaga rin bang aasa ako sa himala? Nakakalungkot naman kung ito na ang magiging pag-uwi namin. Marami nang natawag, pang walo na nga, dalawa na lang din. “Yuki, don’t worry, hindi lang ito ang laban na papasukin natin. Ang mahala na-enjoy mo,” ani Takumi. Kahit paano napalakas naman niya ang loob ko ro’n. Minsan may maganda rin naman talagang nasasabi si Takumi. “The Ox!” Napapalakpak ako dahil iyon ‘yong Pinoy band. Nilapitan ako no’ng vocalist at sinabing, “Sa iyo na ang last spot, you are all amazing, goosebumps, Yuki.” Siya ‘yong kumausap sa ‘kin noon na may magkabilaang tattoo. “Thank you!” nginitian ko sila. “Sino naman ‘yon?” tanong kaagad ni Blue. “Nakilala ko lang siya diyan, marami ako nakikilala kapag naglalakad-lakad ako,” natatawang sabi ko. “Kaso hindi ko pa rin pala alam ang pangalan niya, puro banda lang na pangalan ang tanda ko.” “Damon,” sabi ni Ruki. “Oh, Damon pala ang pangalan niya!” “Sikat na sila sa Pinas, kahit sa ibang bansa lalo at mayroon silang active chanel kung saan iyong mga pop song ay ginagawa nilang heavy metal.” Napatango-tango ako, iyon pala. “For our last spot!” Napadiretso ako nang tayo. Nang mapatingin ako kay Claude para bahagyang sumilay, masama naman ngayon ang tingin niya sa ‘kin. Itong si Claude, kakaiba talaga tama nito sa utak, kanina lang parang gusto akong tapak-tapakan at pagtawanan! “GZ!” “Aaaah!” Napatili ako bigla. Doon ko lang din narinig ‘yong hiyawan para sa ‘min na napakalakas. Nakakaiyak dahil may sumusuporta sa ‘min kahit ako na ‘yong vocalist. Hindi ko sinira ang make-up ko at ngiting-ngiti akong tumungo at nagpasalamat sa lahat. “Now, let’s see what happened on our voting line! This is the voting line before we close it to the public.” Ipinakita sa malaking screen na isa talaga kami sa nahuhuli. “After tonight’s performance, the voting line resume and here’s the voting result.” Nanlaki ang mata ko nang makita kong tumaas kami sa gabing ‘to, umakyat kami nang umakyat hanggang makarating sa Top 7. Hindi ko na nga mapaniwalaan ang Top 10, pero iyong Top 7 pa! Pigil na pigil lang akong magtatalon sa sobrang tuwa. As usual, walang tatalo sa RSYND at Top 1. Nagkaroon ng picture taking at nang matapos ay inaya na ‘ko nila Takumi para hindi na raw ako malapitan pa nang ibang mga kalalakihan. Nagkaroon din ng interviews sa labas, as usual si Ruki ang sumasagot, kapag kinkausap naman kami ng taga-interview ay sumasagot din kami at nagpapasalamat sa mga fans. Sa bathroom ng dressing room kaagad kong inalis ang damit ko. Pulang-pula ang ibang parte ng dibdib ko. Mukhang hindi ako hiyang sa tela ng suot ko. Kanina ay pasimple ko pa ngang kinurot ‘to nang tumalikod ako. Matitiis ko ang hapdi, pero hindi ang kati! Mabuti na lang at wala si Claude, baka isipin niya’y may humalik sa ‘kin na kung sino-sino sa dilim. Tamang-hinala pa naman iyon. “Yuki, hindi ka pa tapos?” no’ng tumagal na ‘ko ay tawag ni Takumi. “Palabas na ‘ko.” Dala ang bag kung nasaan ang mga isinuot ko kanina’y lumabas na ‘ko. Simpleng white s**t ang isinuot ko at nag-tuck-in lang ako sa ‘king fitten maong pants. “Napapagod na ‘ko, umiwas na tayo sa mga interviews,” nagmamaktol na si Blue. “Mag-celebrate na lang tayo bukas, pagod na rin tayong lahat,” sabi ni Ruki. Nagkasundo kaming bukas na nga mag celebrate. Kaagad naman kaming lumabas at sa parking dumaan, mas madilim, at iwas sa mga reporter na paulit-ulit ang tanong. Nang makasakay pa lamang kami ay nakatulog na kaagad sila Blue at Takumi sa backseat. Ako naman ay naidlip din, hindi naman daw inaantok si Ruki. Ginising niya kami nang makauwi na. Kanya-kanya na kaming pasok sa kuwarto para maligo na at makapagpahinga. Nakakapagod na araw pero worth it! Kapag naiisip ko pa rin kung paano kami naging number 7, kinikilig ako at hindi ko magawang makatulog. Maging ang mga messages na natatanggap ko ay napakarami puro congratulations at appreciation words. Nakakatuwa naman. Sobrang nakakaantig ng puso. Napipikit na ‘ko pero nagising ang diwa ko nang may tumawag sa ‘kin sa aking social media inbox. Hindi ko namalayan na sa sobrang katarantahan ko ay nasagot ko ‘yon. I-end ko sana kung hindi ko nakita ang video nang nasa kabilang linya. “Claude—“ “Mukhang nasa kama ka na kaagad,” sa tono niya tila may iba ‘yong kahulugan. Pero nakakainis na hindi ko pa rin maiwasang kiligin sa hudas na ‘to! “Why? Wanna join?” nginisian ko siya. Nangisi siya sa ‘kin. “So, iyan ang mga natutunan mo?” sarkastikong tanong niya. “Natutunan? Ah, inborn ko na ‘to, Claude,” nginitian ko siya. Lalong sumama ang tingin niya sa ‘kin. “Let’s meet tonight,” alok niya. “No, ipapatay mo pa ‘ko ‘no!” “Hintayin kita sa waitingshed malapit sa tinutuluyan mo.” Pinatay niya. “Huh?” Ang kapal naman niya mag-assume na sasama ako sa kanya? Ang tibay naman ng mukha niyang yayain ako kahit hindi naman kami close! Bahala siyang manigas do’n sa waitingshed, maghintay siya hanggang mamuti ang mata niya at umuwi siyang luhaan kay Calvin, magsumbong siya kay Calvin na parang batang naagawan ng kendi! Bumangon ako at hindi na nagpalit ng T’shirt. Nagpalit lang ako ng pekpek short kahit malamig ngayon sa Japan. Dahan-dahan akong lumabas at lumingon-lingon sa paligid. Saglit lang naman, sasampalin ko lang si Claude! Lumabas na ‘ko at lakad-takbo akong pumunta sa waitingshed, at nakita ko na ‘yong mamahaling big bike ni Claude. “Tara na,” aniya. “Saan ba?! Hindi ako puwedeng umalis ‘no!” Nilingon niya ako at sinamaan nang tingin. Hinila niya ‘ko at pinasasakay na kaagad. Wala na ‘kong nagawa kung hindi sumakay at una kong ginawa ay amuyin siya. Heaven. Heaven din ‘yong kasunod dahil pinaharurot niya ang motor at tila lumipad yata kami sa bilis no’n. “Claude! Ayoko pa mamatay!” “Claude! Itigil mo na nga!” Napayakap ako sa kanya. Bubugbugin ko talaga ‘to pagkatapos! Maya-maya ay nasa maraming motor na kami at papasok na kami sa isang motor race. Japanese ang pag-uusap nila. Hindi naman ako humihiwalay kay Claude dahil mukha silang mga Yakuza, baka machopchop pa nila ‘ko. “Ikaw ba, Claude papatayin mo ‘ko?!” “Nope.” “Nope?! Tingnan mo nga ginagawa mo sa ‘kin! Mamamatay ako!” “Wanna die with me, Yuki?” Nanindig ang balahibo ko. “Claude, hindi ‘yan magandang biro!” Natawa siya nang pagak. “When we were together, you answer me as fast as you can, and it’s you are willing to die with me.” Nabigla naman ako. Nagdamdam yata si Claude. Hindi na ‘ko nakapag-react dahil iyong kaluwawa ko ay tinangay na yata sa bilis nang karera kung nasaan kami. “Kung galit ka hindi naman sa ganito tayo dapat mag-usap!” pasigaw kong sabi. Hindi niya ‘ko pinapansin kaya napayakap na lamang ako sa kanya. Praying for our safety. Alam kong hindi ko dapat siya inabandona. Alam kong kailangan niya nang pang-unawa. Pero sa tingin ko, tama rin naman na matuto siyang isipin ang iba hindi ang kanyang sarili lamang. Napapikit na lamang ako, hoping na matapos na ‘tong karerang ‘to at buhay akong makauwi. Hanggang sa tatlumpung minuto siguro ang lumipas, huminto siya, kaya napamulat ako. Bumaba siya at hinila ako sa braso. Teka, teka, teka, Motel ‘to! “Teka, Claude!” “Sabi mo gusto mong mag-usap.” Sinamaan niya ‘ko nang tingin. “B-bakit sa ganyan? Puwede naman sa seaside, waitingshed, ramen house—“ “Napakarami mong sinasabi.” Nag-angat siya ng hood niya para ‘di makilala. Nagtago naman ako sa kanyang likuran. Teka nga, bakit ba ‘ko sumunod kay Claude! Pilit akong nagtatago sa likuran niya hanggang makahiwalay ako no’ng nasa loob na kami ng elevator. “Mag-uusap lang tayo! Pinagbigyan na kita sa lahat nang gusto mo!” Sumandal siya sa eleavator at hindi ako pinansin. Inirapan ko nga siya. Nang bumukas ‘yon ay wala namang tao sa hallway kaya hindi na ‘ko nagtago pa. Nang makarating kami sa silid ay napakalamig kaagad nang bungad sa ‘min. Parang para doon talaga ang kuwartong ‘yon, sayang at hindi kami okay ni Claude. Maganda ang motel, napakaraming advance na kagamitan at nakaka-enjoy tingnan ang buong paligid. Napakalaki rin nang silid tapos saglit lang din naman kami. Puwede kaya magdala ng sabon or shampoo palabas? Naramdaman kong may humawak sa ‘king likuran at pinihit ako paharap sa kanya. Nagulantang ako dahil gahibla na lang ang pagitan ng labi namin ni Claude. Naiinis ako na nawawala ang pagtutol ko, para ngang may kakatwang init nang tumutulay sa ‘king katawan dahil lang sa magkalapit naming katawan uli. Hindi ko alam kung anong plano ni Claude, ang alam ko lang nadadala ako sa kanyang amoy at presensiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD