C7: Babalikan?

1613 Words
“Claude, bakit naman sobrang lapit mo? Ang awkward naman mag-usap kung ganito.” Pinilit kong kumawala sa kanya pero nabuhat niya ‘ko at kaagad nadala sa malaking bilog na kama at inihiga. Nagdarasal ako na ‘wag akong maging marupok, kasi wala talagang pagtutol ang buo kong katawan. Nasisiguro ko rin na alam na alam ni Claude na hindi ako tumututol kahit kaunti man lamang. “Marami na bang lalaking sumunod sa ‘kin Yuki?” sarkastiko niyang tanong. Pansin ko kaagad ‘yong galit niya. “Hindi magandang tinatanong mo ‘yan sa babae, Mr. Hartwell,” tinatagan ko ang boses ko. “Isa pa, mas marami ka naman naging babae, hindi ba? Nagpakaligaya ka nang husto, kaya hindi rin nakapagtataka kung gawin ko rin ‘yon dahil unang-una single naman ako.” Hinawakan niya ang baba ko. Ginagalit ko siya kahit alam kong baka masaktan ako. Pero masyado kasi siyang matapang, nakakainis! Minsan nakakatuwa ring magantihan siya sa alam kong mapipikon siya. Hinalikan niya ‘ko bigla, hindi ako tumugon kahit ang bango nang hininga niya, tila ‘ko dinadala sa ibang dimensiyon kung saan ayos lang magkasala. Kinagat-kagat niya ang labi ko, sinipsip ‘yon at dinilaan. Sht, ang sarap talaga ni Claude humalik! Napaungol ako dahil nauubusan ako nang hininga, isama pang hinahaplos niya ang hita ko kaya nag-iinit ‘yon. Ilang saglit lang ‘yon tumagal at bumangon na siya. Nakaramdam ako nang iritasyon dahil kumalat na ang init sa buo kong katawan. Akala ko’y sumuko na siya pero naghubad lang siya ng T’shirt. Napalunok ako, mas naging maganda ang katawan ni Claude. Bumaba ang kanyang palad sa butones ng kanyang pantalon, kahit gusto kong tingnan ay sa iba ako tumingin. Teka nga, bakit ko siya hinahayaang maghubad habang nakahiga ako? Gustong-gusto ko talagang magpadilig sa demonyong ex ko?! Bumangon ako. “Kailangan ko na umuwi, baka hinahanap na ‘ko.” “Tatawagan ka nila kung alam nilang nawawala ka,” ani Claude. May tama ito. “Ang sabi mo’y mag-uusap tayo, ano naman ‘to? Mag-uusap habang nagpapakaligaya ka?” Lumuhod siya at muli akong hinalikan. Napaungol ako dahil hinawakan niya ang magkabilang dibdib ko at pisil-pisilin ‘yon sa palad nito. Nabubuhay tuloy ang korona ng dibdib ko dahil lamang doon. Maya-maya pa’y iniangat niya na ang T’shirt ko at kinawit ang bra ko. Damang-dama ko ang pagbitiw ng bra ko at pagbounce ng dibdib ko. Hinalikan niya ‘ko sa leeg, iniiwanan nang marka kaya tinutulak ko siya. “Claude!” paungol na pigil ko, hindi ko alam kung makakapigil ba ‘yon lalo at ang boses ko ay halatang dalang-dala na. Matagal ko ring naging pantasya tuwing gabi si Claude, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko oras na matapos na ‘tong kahibangan ko. Para kasing napakarupok ko pero susubukan ko pa ring hindi maging dalang-dala sa kanya! Nakahiga na ‘ko nang angkinin niya ang dibdib ko, namimilipit ako sa sarap habang panay ang dila’t sipsip niya roon. “Claude!” ungol ko. “Ilang lalaki ang pinaringgan mo nang ganyan, Yuki?” aniya sabay sipsip sa ibabaw ng kaliwang dibdib ko. “Cl—“ Napahinto siya at marahang lumayo. Nakatitig siya sa dibdib kong maraming pulang-pula. Nagtiim-bagang siya, nang tingnan niya ko’y tila papatayin niya na rin kaagad ako! “Sinong gumawa niyan sa ‘yo?!” dumadagundong ang kanyang boses. Nangilabot naman ako. Hindi ko naman siya boyfriend bakit ako mag-e-explain?! “Yuki!” “W-wala ‘yan, ano ka ba!” “Sino sa GZ, Yuki?! O iba pang lalaki?!” sigaw niya. Nanindig ang aking balahibo. “Sa damit ‘yan, Claude, makati, hindi ‘yan sinipsip nino man! Tingnan mo ngang mabuti!” Lakas loob kong sigaw sa kanya. Bumangon na ‘ko. “Ayoko na, uuwi na ‘ko. Nakakawalang-gana ka.” Hinayaan niya ‘kong tumayo. “Bakit pa kayo pumunta rito, Yuki?” tanong niya. “Ano naman sa ‘yo?!” “Mas gusto mo ang mga atensiyon at maraming lalaking nagkakagusto sa ‘yo?” sarkastiko niyang tanong. Nilingon ko siya. “Alam mo Claude, kung ano-ano ang iniisip mo. Ginagalit mo ‘yong sarili mo. Wala ka rin namang pakialam sa ‘kin ‘di ba? Hayaan mo na lamang kaming mga naiwanan mon a ipagpatuloy ang GZ,” mariing sabi ko. Natawa siya nang pagak. “Hindi kita iniwanan, Yuki, ikaw ang nakipaghiwalay sa ‘kin!” Tumayo siya kaya dumistansiya ako dahil alam kong galit siya. “Nakipaghiwalay ka sa ‘kin kahit hindi ka naman kasali sa problema ng GZ!” “Claude, problema ko rin kung anong problema ninyo! Isa pa, may problema ba talaga?” nginisian ko siya. “Yuki, hindi mo alam—“ “Hindi namin alam lahat! Ikaw lang ang may alam! Paano ka namin maiintindihan kung ikaw lang naman ang natatanging nakakaalam, ha, Claude?!” Nakita kong natigilan siya. Inayos ko ang damit ko. “Wala naman palang magandang idudulot ‘tong pag-uusap natin, aalis na ‘ko.” Hinila niya ‘ko sa braso. “Pagbibigyan pa kita ng pagkakataong bumalik sa ‘kin!” “Babalik ka ba sa GZ?” Nilingon ko siya, hindi ako nagbaba nang tingin sa kanya. “Alam mong hindi na ‘ko makababalik pa—“ “Dahil? Anong dahilan? Bakit hindi ka na makakabalik pa?!” “Yuki, doon tayo sa ‘tin—“ “Claude, papayag lang akong ipasok ang atin kung ma-isettle moa ng GZ. Pero kung hindi, pasensiya na, sa tingin ko’y wala naman tayong kailangan nang pag-usapan pa.” Inalis ko ang pagkakahawak niya sa ‘kin. “Hindi ko kayang mabuhay kasama ang ibang grupo. Hindi ko matanggap na masyadong mababaw kang tao, Claude. Huwag kang mag-alala, sa susunod ay wala nang maghihintay sa ‘yo. Pero kung babalik ka pa, bukas pa ang GZ, pero kung hindi na dahil natagalan ka, pasensiya na, hindi lang ikaw ang nagmamay-ari ng oras sa mundo.” Lumabas na ‘ko kahit ayoko naman talaga siyang iwanan. Gusto ko talaga siyang yakapin at manatili muna sa kanyang bisig. Mahal na mahal ko pa rin si Claude. Pero kahit mahal ko siya, matino ang paninindigan kong hindi ako magiging masaya na magbabalikan kami pero wala na rin siyang balak bumalik sa GZ. Hindi ako maiyak. Nilalamig nga lang ako habang naglalakad. Maya-maya pa’y huminto ang motor ni Claude sa ‘king harapan “Wala kang pamasahe, wala na ring dumaraan diyan.” Hindi niya ‘ko matingnan. Sumakay ako sa likuran niya. Kung kanina tila kami patungong langit, ngayon ay marahan lamang ang takbo, mas madali nang i-enjoy ang ganda nang paligid at lamig nang simoy ng hangin. Wala siyang sinabi sa ‘kin hanggang maihatid ako sa malapit na waitingshed. Pero hinintay niya ‘kong makapasok bago ako siya umalis. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay tahimik pa rin. Pumasok na ‘ko sa kuwarto at nagpahinga na. Damang-dama ko pa rin ang yakap ni Claude, maging ang amoy niyang dumikit sa ‘kin, matagal na simula nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. Parang hindi ko na naman gustong mahiwalay sa kanya. Late na ‘ko nagising, maingay na nga sila, mukhang hindi nila alam na lumabas ako. Sasabihin ko rin naman sa kanila, hindi na lang muna ngayong araw at medyo nananakit ang ulo ko sa naging tagpo namin ni Claude. Nakita kong masaya silang tatlo ngayon dahil sa mga nababasa nilang mga comment. Alam kong sa ngayon, malaki pa ang tiyansa na kumakanta sila para kay Claude, pero baka dumating ‘yong oras na makalimutan na nila ang himig para kay Claude at maging masaya na sila sa sarili nilang achievement. Kaya tama ang sinabi ko kay Claude, bumalik siya habang may babalikan pa siya. Mahirap nang bumalik pa kung wala na itong babalikan pa. “Yuki, late ka na gumising!” si Blue ang unang nakapuna sa ‘kin. “Nag beauty rest talaga ‘ko, ilang araw kaya ‘kong stress na stress sa voting!” sagot ko. Sumabay na ‘ko sa kanila sa hapagkainan. Si Ruki ang nagluto ng almusal. “Mukhang dumarami ang fans natin, lalo at na-appreciate ka na nila nang husto Yuki,” natutuwang sabi ni Ruki. “Sobrang hot mo kasi talaga no’n sa last performance, marami kayang nakanganga! Bihira kasi ang babaeng may ganoon ka-powerful na boses na hindi matinis ang dating. Maganda talaga sa pandinig,” ani Takumi na ngising-ngisi. “Sa tingin ko rin iyon ang sumagip sa ‘tin,” ani Ruki. “Alin ‘yong kasexyhan ko?” natatawang tanong ko. “Iyong powerful voice,” ani Ruki. Napasimangot ako. “Itong si Ruki, minsan na nga lang sasabihing sexy ako ay hindi pa masabi!” “You look gorgeous, Yuki, kahit ano namang isuot mo, you are stunning—“ “Oh, oh, oh, kumain na,” pang-iirita ni Takumi kay Ruki dahil bigla ‘tong sumingit. Halatang napikon si Ruki. Nagkatawanan kami. “Mukhang pagbalik sa Pilipinas, marami tayong magiging project offer,” ani Blue. “Malamang, sa guwapo ko ba namang ‘to hindi pa sila mag-ooffer nang malaki?!” ani Takumi. “Oo nga, marami nga ring may chat sa ‘kin about modelling agency, hindi ko lang nirereplyan at naguguluhan pa ‘ko,” sabi ko. “Saka na natin isipin ‘yong pagbalik, tapusin na muna natin ‘to at dito na muna tayo mas magpokus. Okay?” “Yes, sir!” Sabay-sabay naming sagot. Pagkatapos naming kumain, rehearsal kami, pinag-aralan din namin iyong mga nakapasok na banda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD