Chapter 1- Deeply Hurt
"Hoy, Yohan! Kanina ka pa nakahilata riyan! Ni-hindi ka man lang tumulong rito!" Bulyaw ni mama sa akin. Agad-agad akong tumayo para maghanda ng pagkain. Sabagay trabaho ko naman talaga ito bilang anak, ang tumulong sa bahay, ang mag pakain sa Lola ko na paralisado na at mag trabaho.
Hindi ako naka tapos ng pag aaral dahil hindi na kinakaya ni mama 'yung pang baon ko sa araw-araw, idagdag pang paralisado ang Lola at kailangan siyang bantayan. Gusto ko man mag-aral muli, pero hindi na ako kayang suportahan ng mama ko, naisin ko man ang kursong pagiging chef ay hindi na pwede. Highschool lamang ang natapos ko, pero okay na iyon at least may kaunting alam ako.
"Aalis na ako baka gabi na rin ako maka uwi kaya huwag mo na akong hintayin." Malamig na wika ni mama. Tumango na lamang ako bilang sagot kahit hindi naman niya nakita.
Nagtitinda si mama ng isda o kaya sariwang gulay sa palengke, habang ako naman ay nag ta-trabaho bilang secretary ng isang kilalang kumpanya sa umaga at isang waitress sa bar naman sa gabi.
I'm 21 years old woman, I didn't grow like this with a father. Kasi ang sabi ni mama ay namatay saw si itay dahil nasunog daw ang pinagta-trabahuhan nitong hospital. Nagsisimula pa lang si mama at itay noon, at nasa loob pa lang ako ng tiyan ni mama. Kaya walang naipundar ni-isa si papa na pwede namin pagkakitaan.
Ni-hindi ko man lang nasilayan ang mukha ng tatay ko. Ano kaya ang mukha niya? Wala si mama na larawan na meron si itay , pero ang sabi ni sa akin nung bata pa lang ako ay, ako daw ang female version ng itay ko. Na kwento ni mama noon na, dating bakla ang itay ko kaya maarte raw kumilos iyon nung medyo bata-bata pa lamang sila. I get my father's features but I didn't get his mostly hidden attitude. He always craving for care and he likes someone to feel pity on him.
For me; "Care and pity doesn't exist in me anymore."
My mother taught me that. Love and care is always there inside of a person, but pity is a natural reaction that every person doesn't want to feel. Pity, makes a person weak and for others it makes them stronger.
That what I get from my mother's features. Her serious attitude. She feels happy whenever she's outside. Hindi niya pinaramdam sa amin na masaya siya dito, parang kami 'yung sanhi at naging bunga ng pagod niya.
"Yayoi! Naiihi ako!" Sigaw ni Lola mula sa itaas. Pinatay ko muna ang kalan bago umakyat sa may kwarto. Pagkatapos ay dali-dali akong tumakbo papunta sa itaas. Binuksan ko ang pinto at ni-ready ang arinola ni Lola, pati narin ang basahan, ipwinesto ko iyon sa ilalim ng arinola. Binuhat ko si Lola at agad siyang pinaupo sa tapat ng arinola. Sinenyasan niya ako na bitawan ko na siya kaya ginawa ko naman.
Yayoi ang madalas itawag sa'kin ni Lola. Matagal na niyang iniidolo si Yayoi Aguila kaya iyon ang naging nickname ko para sa kaniya. Okay lang naman sa akin dahil katunog naman ng Yohan ang Yayoi.
"La? Tapos na po ba kayo?" Tanong ko tumango naman siya. Kumuha ako ng timba na mayroong lamang tubig at maliit na tabo na ginagamit ko tuwing umiihi o nadudumi si Lola. Nagagamit pa naman ni Lola ang dalawang braso niya pero ang kailangan hindi mabigat na bagay ang hawak niya. Nagsalin ako ng kalahating tubig sa maliit na tabo at iniabot iyon kay Lola.
Pagkatapos niya ay syaka ko siya ibinalik sa pwesto niya pati narin ang arinola at timba na may lamang tubig. Nagpaalam ako kay Lola na bababa muna ako para ituloy ang pagluluto ko.
"Hindi ka ba magpapahinga ngayon?Ha Yayoi?" Tanong ni Lola habang nakatingin sa bintana na animo'y nandoon lamang ang atensyon niya.
"Aalis ho ako maya-maya para bantayan saglit 'yung cafeteria ni mama." Sagot ko at bumaba na.
Oo, may cafeteria si mama pero hindi niya iyon pinagtutuunan ng pansin dahil hindi naman raw siya marunong mangalaga ng negosyo kaya ako na lang muna. Ako mismo ang nagpatayo ng cafeteria na iyon, sariling desenyo ko, at pati narin pinaghirapan ko. Meron rin akong sariling recipe ng kape, once ko nang gumawa iyon pero si lola pa lang ang nakakatikim hindi si mama. Ang sabi niya kasi ay hindi siya mahilig sa kape hindi katulad ni Lola na gustong gusto ang kape na ginawa ko.
I admitting this, I was totally upset when she said those things before.
Ganito pala 'yung feeling na, wala kang suporta sa nanay mo. She's supportive in my every achievement when I was young but I feel this awkward aura that she's jealous to my achievements.
Binuksan ko ulit ang kalan para initin ang sinangag na niluluto ko, nang matapos na ay kumuha ako ng malaking mangkok para paglagyan ng sinangag na kanin. Nilagay ko sa isang pinggan ang ulam na bacon at itlog.
Dinalhan ko si Lola ng pagkain ang pinakain na siya pagkatapos ay bumaba ako para kumain. I always eating alone, it's definitely my habit everyday.