Umaliwalas ang mukha ni Liz nang masalubong ang malapad na ngiti ni Diana. Magdadalawang buwan din silang hindi nagkita ng dalaga dahil naging hectic ang schedule nito idagdag pa na kung saan-saang dako ng Asya ito pumupunta para sa photoshoot nito. Sa katunayan, kakauwi lang nito mula sa Thailand kagabi at siya kaagad ang unang kinontak nito nang ma-cancel ang photoshoot nito sa Palawan na nakatakda sana ngayon at bukas. Siya naman ay naging abala rin sa bago niyang trabaho, idagdag pa ang paminsan-minsang trabaho sa Bubblegum & Talents Company lalo at nagsimula na ang transaction between the company and the Cinematrix Entertainment na karaniwan ay sa condo niya inaasikaso. It's tiring but she's happy to help Art. “Liz!” Kumaway si Diana at nagmamadaling lumapit pagkakita sa kaniya. May

