"How are you feeling now?” nag-aalalang tanong ni Art kay Liz. Akmang muli niya itong bubuhatin nang magmulat ito ng mata. Nasa sofa pa rin ito samantalang siya naman ay nakaupo sa sahig at gagap ang kamay nito. Kumurap ito na para bang sinasanay ang mata sa liwanag. Nagtangka itong bumangon ngunit pinigilan niya. “I will bring you to the hospital,” sambit niya dahil hindi pa rin nawawala ng pamumutla ng dalaga. “N-No, Art. P-Pagod lang ito,” mahina ang boses na tanggi ng dalaga. “Are you sure? Namumutla ka pa rin, eh,” nagdududang wika niya. “I’ll just take a rest—” “Hindi kaya… buntis ka?” putol niya sa sinasabi nito habang nasa mukha niya ang pilyong ngiti. Marahan itong napatawa sa hitsura niya. Probably because that’s not the reaction she’s expecting if ever she’s really pregn

