Chapter 62 "3...2...1 go!" hiyaw ng babaeng nakapagitna sa dalawang kotse na nakatakdang magtunggali. Nang maibaba nito ang puting panyo ay ibinirit ng mga sakay niyon ang kotse sa kahabaan ng kalsada. Drag racing... Hindi legal pero labis iyong nakakaaliw kay Marli. Mariing tinapakan ng dalaga ang gasolina nang mapunang nauuna ng ilang metro ang kalabang sasakyan. Napangisi siya nang makitang naunahan niya ito. Lalake ang sakay niyon kaya alam niyang gigil itong pakainin siya ng alikabok. Kahihiyan nga naman para dito kung matatalo ito ng isang babaeng gaya niya. Maraming buwan na ang nakalipas magmula nang matapos ang relasiyon nila ni Travis. They both agree na dapat ay maging magkaibigan na lamang sila. May pagkakaintindihan man, hindi nangangahulugan na hindi siya nasaktan.

