Chapter 61 Binuksan ng kuya Gian nila ang bote ng alak nang makaalis ang Tito Carlo nila. "Parang kailan lang mga bata pa tayo 'no? Gatas pa iniinom, ngayon may kulay na! Whoo!" napangiwing sabi ni Jarrence ng ito ang unang lumagok. "Tama ka. Mamaya pa may mga asawa na tayo!" sang-ayon ni JC sabay inom at ipinasa kay Travis. Paikot na ang baso. Halos mapangiwi siya sa pait ng siya naman ang mapasahan. "Asawa? Di ko pa nakikita sarili ko na may asawa na. Sarap magbuhay binata." naiiling na komento ng Kuya nila. "Wag magsalita ng tapos Kuya. Baka kapag bumalik si ate Samantha, kainin mo lahat ng sinabi mo." ani Margi at halos pagsabayin ang inom ng juice at alak. "Teka bakit napasama dito si Samantha? Tagal na niyang wala." palag ni Gian. "Matagal na ngang wala, pero nawala ba siya s

