Chapter 95 Nagpagabi si Marli ng uwi. Bandang alas nueve na siya ng gabi umuwi kay Travis dahil sa sama ng loob sa naging encounter nila ni Sarah. Nadatnan niya ang asawa na parang pusang hindi maanak sa kapaparoot-parito sa labas ng main door nila, habang nakatapat sa tenga ang cellphone nito. Nang makalapit siya dito ay kaagad nitong napansin ang presensiya niya, "Batsing!" bulalas nito at niyakap siya ng mahigpit pero hindi kumilos ang mga kamay niya para gantihan ang yakap nito. "Saan ka ba galing? Nag-alala ko. Kanina pa kita tinatawagan pero out of reach ka. I even went to your work place pero wala ka na do'n at wala ka namang sinabi sa secretary mo kung saan ka nagpunta? Muntik na ko tumawag ng pulis, eh." halata nga ang pag-aalala sa boses nito. Hinalikan pa siya nito sa noo ka

