Chapter 94 Natawa si Travis nang makaalis si Sarah. "What seems to be so funny Mr. Del Fuego?" nakaangat ang kilay na tanong niya dito. "Ikaw, Mrs. Del Fuego, ang cute mo magselos. Kinilig ako." Abot thenga ang ngiting sabi nito at hinalikan ang tungki ng ilong niya. "Hindi ako nagseselos! Nagugutom ako!" kaila niya. "Sige sabi mo, eh. Tara kainan tayo." "Ano?!" gulat na tanong niya. "Kain tayo." pagtatama nito "Ah, iba dinig ko, eh." "Green ka lang mahal ko." tawa nito kaya nahampas niya ito sa braso. Nagtungo sila sa isang restaurant para magdinner. "Akala ko, gutom ka? Bakit parang hindi mo naman ginagalaw 'yan?" untag ni Travis nang mapunang hindi naman siya kumakain. "W-Wala. May iniisip lang ako." pilit ang ngiting sabi niya. Naalala niya ang narinig na pakikipag-usap ni

