Chapter 56 Nagising si Marli dahil sa sunod-sunod na sound notification ng cellphone niya. Aantok-antok na kinapa niya iyon sa bed side table. Inalis niya ang lock gamit ang finger print niya. May nag-add pala sa kanya sa isang group chat sa messenger. Sweet chix play fam ang pangalan. Mga pawang hindi naman niya kilala ang miyembro. Napatype siya kung para saan ang group na iyon? May sumagot naman, iyong mismong group creator. Ewan daw. Nabuwisit siya sa sagot nito at dali-daling nagleave. Gagawa-gawa ng GC tapos wala naman palang purpose? Pantanga! Bwisit talaga siya sa mga taong walang matinong magawa sa buhay. Tapos mandadamay pa ng iba. Iyon din minsan ang ikinaiinis niya sa social media. Kung minsan may magmimemention sa kanya, iyon pala ay may ipapalike lang o ipapas

