Chapter 57

1177 Words

Chapter 57 "Ui pare mabuti naman at dumating ka. Tagal mo ng hindi nakikihang out sa'min. Mga tol nandito na si Travis." masayang bati ni Gian nang makita siya. Inakbayan pa siya nito at iginiya papunta sa tatlong barkada nila na nakapwesto sa bar counter. "O isang bote para sa'yo!" masiglang sabi ni JC at inabutan siya ng isang boteng alak. Kinuha niya kaagad iyon at nilagok. Napangiwi pa siya ng gumuhit sa lalamunan niya ang pait. "Buti naman sumama ka. Palagi kang busy lately." sabi ni Chris. "Graduating, eh." sagot na lang niya. "At siyempre may mysterious girlfriend na pinagkakaabalahan. Kamusta na kayo no'n? Going strong ba?" usisa naman ni Bryle. "Sana." kibit-balikat na sagot niya. "Ano'ng sana? Bakit sana? Parang diskumpiyado ka diyan sa sagot mo. Siguro nagkakalabuan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD