Chapter 70 Napatigil si Travis sa paggawa ng idinedesign niya nang may kumatok. "Come in." "Hi." Napatayo siya sa kinauupuan nang makita ang pumasok. Bumaha ang excitement pero kaagad na nabawasan nang mapagsino talaga iyon. "Margi? What a pleasant surprise, come in." yakag niya dito. Kahit pala ilang taon na ang nakalipas, alam pa rin niya kung sino si Margi at sino si Marli, kahit iisa ang mukha ng mga ito. Nakangiting pumasok ito. "Sit down. Pasensiya ka na medyo, magulo." sabi niya at nilikom ang ilang papeles sa ibabaw ng mesa. "Busy ka?" "Medyo, nagdidesign for my first time client. Napadaan ka?" "Wala naman, just wanted to check your work place. Katapat lang pala 'to ng building namin." "Yes, sino nagsabi sa'yo?" "Itinanong ko kay Jarrence." "Ah. Wala kang pasok?" "Me

