Chapter 69 Tigagal si Marli sa tinuran ni Travis. Nahihibang ba ito? "Lumaklak ka ng kape ng nerbyosin ka! Akala mo kung sino ka, para angkinin ako. Hello? Tayo pa ba? Paraan nga." tabig niya sa binata pero nakakalokong humarang ito. "I won't..." "Aba't! Talagang sinusubukan mo ko, ah? Ge! Ito sa'yo!" iniangat na niya ang kamao pasapak sa mukha nito pero may humila sa kamay niya. "Jarrence, ano ba? Iyang pinsan mo, mukhang di pa natatanggal ang jetlag! Upakan ko lang ng konti at baka magising! Isa lang!" piglas niya. Napailing ito. "Sinasabi ko na nga ba't, magbabangayan lang kayo kaya napasunod ako, eh. You can go now, Marli. Ako na bahala." ani Jarrence kaya sumakay na siya sa kotse. "Bye. Ingat." nakangiting kaway ni Travis. She gritted her teeth. "Baliw!" "Sa'yo!" ganting

