Chapter 68 "Eh, di magpopropose ka na sa girlfriend mo..." salo ni Margi nang sabihin ni Travis na asawa na lang ang kulang dito. "Wala ngang girlfriend, eh. Pa'no 'yon?" "What? Sa tagal mong nawala, at sa dami ng magagandang babae sa U.S. wala kang naging girlfriend do'n?" parang di makapaniwalang tanong ni Margi. "Ewan ko kung maniniwala kayo, pero wala. Kung meron man, di rin matatawag na relationship yon. Fling siguro." kibit-balikat na sagot ng binata. "Wow! Pafling-fling yabang." bubulong-bulong na sabi niya pero nakaabot naman iyon sa pandinig ng binata. "Selos ka naman?" "Mukhang may jetlag ka pa. Itulog mo na lang siguro 'yan." pasimpleng pambabara niya saka siya humakbang palayo. "Where are you going?" habol na tanong ni Margi. "Do'n na lang ako sa table nina Tita Jane,

