Chapter 67 "Pwede ba? Tigilan mo na nga ako. Ano'ng you'll be with me mga pinagsasabi mo diyan?" palag ni Marli mula sa pagkakayapos ni Travis sa bewang niya. Dumistansiya siya dito. "Talo ka. Lahat ng gusto ko susundin mo." "Ako? Susunod sa'yo? Mangarap ka pa ng gising, matulog ka ng dilat." irap niya at akmang tatalikuran na ito nang hagipin nito ang kamay niya. "Teka nga, bakit ba parang allergic na allergic ka sa'kin? Kanina ka pa iwas nang iwas. Wag mong sabihing nararattle ka sa presence ko? Gwapo ko ba masiyado?" nakakaloko ang ngiting tanong nito. Kung hindi lang niya ex ang mokong na 'to, baka nagswoon na talaga siya sa harap nito. Gwapo naman kasi talaga. "Asa. Mukha kang tanga." "Talas pa rin ng dila mo, papurulin ko kaya 'yan?" "Ows? Kaya mo?" "Oo, basta ba walang sa

