Chapter 50 "Travis, amoy alak 'yong hininga ko." nasabi ni Marli sa boyfriend nang makalabas sila ng bar at pauwi na. "Ako rin, eh. Hehe. Kain na lang tayong chewing gum." sabi nito at inakbayan pa siya. Nang makarating sila sa parking lot at makalapit sa kotse nito ay natigilan pa sila nang makarinig ng tawanan. "S-Sina Kuya 'yon, ah?" turo niya sa isang lalake na nakatalikod sa gawi nila. Nanlaki rin ang mga mata ni Travis nang mamukhaan nga ang kuya niya. Kasama nito ang iba pang barkada nito na si Bryle at Chris. Pati si JC na kabababa lang sa bagong kotse nito. "A-Akala ko ba hindi sila pupunta dito? Wala kamo kayong usapan?" kinakabahang sabi niya. Once na may napalingon sa mga ito, buko sila! Ilang dipa lang ang layo ng pinagparkingan ng mga ito ng kotse sa kotse ni Travis.

