Chapter 51 Pulang-pula ang mukha niya ng tigilan siya ni Travis halikan. "Okay na. Parehas na tayong hindi maaamoy niyan." ngiting-ngiting sabi nito habang ngumunguya. Pinakiramdaman niya ang bibig. May nasalat pa ang dila niya ng kapiranggot na bubble gum. Naghati talaga sila...through hot kiss. Pinitik niya ang matangos na ilong nito. "Why so manyak?" "Naglalambing lang. Sarap, eh." katwiran nito kaya piningot niya ang tenga nito. "Sige na uwi na tayo." Nakangiting pinaarangkada na nito ang sasakyan. Nang makauwi sila ay hinalikan pa siya nito sa noo bago siya bumaba. Nagpalampas sila ng konti sa bahay nila, bago ito mag-uturn papunta sa bahay ng mga ito. "Tawagan kita mamaya. Bye. Thank you sa pagpayag mong makadate ako. At siyempre sa kiss..." nakangiting paalam nito. "Si

