'RUSSEL GUEVARRA' Nakatitig lamang ako ng maigi sa larawan ng nag-iisa at pinakabatang kapatid na babae ng tatlong Adan na kasama ko ngayon sa loob ng room na ito. Kahit ako, habang pinagmamasdan ko ang picture ng kapatid nila ay masasabi ko nga na malaki ang pagkakahawig namin. Para nga kaming kambal pero mas flawless at glass skin siya. Lamang ng slight points sa akin. Naalis sa picture frame ang aking atensyon at natuon sa kay Theo. Natunganga na lang ako at parang nag-loading ang data sa utak ko. Parang hirap na hirap i-process ang sinabi niya. Kumunot ang noo niya. "Are you listening? That's the deal. My condition para hindi ka ipakulong. Pretend to be our sister." Pag-uulit niya pero tulala pa rin talaga ako. Sa inis niya ay dali-dali niyang kinuha ang unan sa may king size b

