'RUSSEL GUEVARRA' Maingay at marami ng tao sa grand balcony nang dumating kami kasama ang Daddy ng mga Villaford. Hindi rin naman kasi nagtagal noong umakyat ako kanina para magpababa ng badtrip sa room ko sa Casa ay dumating na rin ang Dad nila. Hanggang ngayon may badtrip pa rin akong nararamdaman kaya seryoso muna ako at hindi muna nakiki-Daddy. Aside from that, hindi ko rin muna silang tatlo na pinapansin masyado. Basta nandito lang ako sa table kung saan kami idinala ng sumalubong na staff sa amin kanina, tahimik lang ako na nakaupo at nakikinig sa kanila. "The man Dad and Tito Raffy were talking to was Tito Ark. He is–" "Isa sa closest friend ng Dad niyo noong college. Isang Engineer at nasa States na naninirahan. Umuwi lang siya rito to see his friends na walang iba kundi ang D

