'RUSSEL GUEVARRA' Sipa. Bangga. Paglulupasay. Ungol. Lahat na nagawa ko pero ito pa rin ako– nasa loob pa rin ng sasakyan ng abnormal na si Traven. "Aray! Aray ko naman. Ang kulit-kulit naman kasi!" sigaw ni Traven matapos tamaan ng sipa ko pero sige pa rin ako. Binangga-bangga ko pa nga siya ng katawan ko at pinaghahampas ng hair extensions ko kahit na nangahihilo na ako pero wa-epek pa rin. "Hey! Mababangga tayo sa kakulitan mo. Tama na kasi." Pakiusap niya. "Shuta ka! Walang hiya ka! Bwesit ka! Abnormal! m******s! Walang modo! Isinusumpa ko, makikita mo kung anong klaseng demonyo ang itinapon mo sa impyerno!" Iyan ang gusto kong isigaw kanina pa. 'Yong with feeling pa na ma-ala Maja Salvador pero wala, hindi ako makasigaw ng gano'n kundi puro ungol lang at paglulupasay. Wala

