'RUSSEL GUEVARRA' "Are you sure, Russel? Hindi naman sasabay sa atin si Daddy," tanong ni Kuya Trestof habang nag-aayos ako sa harap ng full body size mirror dito sa loob ng room ni Terry. "Yes naman, Kuya." Ngiting-ngiti kong sagot saka humarap sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin habang nakaupo sa kama. "Naisip ko lang kasi, Kuya, kapag doon nga ako sumakay sa Van, baka ma-bored lang ako sa byahe at saka baka mapanis lang ang laway ko kasi syempre kailangan in character pa rin ako as Terry dahil nandoon din ang driver at ilang bodyguards. Pero kung doon ako kay Traven sasakay– free ako na maging Russel. Lubos-lubusin ko na ang pagiging Russel kahit sa ilang hours na byahe lang kasi pagdating doon sa resort ay back to Terry na naman ang drama ko." Mahaba kong paliwanag sa naging de

