'RUSSEL GUEVARRA' Lakad dito. Lakad doon. Gulong dito. Gulong doon. Twerk dito. Twerk doon. Sa ilang oras na nakalipas mula noong iwan ako ni Kuya Theo rito sa loob ng bongga sa gandang room ni Terry ay kung ano-anong kabaliwan na lang ang pinaggagawa ko para lang mabawasan ang kaba ko. Kailangan kong maalis ang kaba na ito dahil mamaya lamang ay darating na ang Dad nila Kuya Theo at hindi pwedeng super kabado ako kapag humarap sa kaniya or else ay legwak na agad ako. Nakapagbihis na rin ako, tulad nga ng sabi ni Kuya Theo. Ako na ang nakialam sa mga gamit ni Terry rito since binigyan naman na ako ng permission ni Kuya Theo na gamitin ang mga nandito sa loob. Dahil Terry Villaford nga ang ganap ko now, ang mga outfit na dapat kong isaalang-alang ay 'yong hindi masiyadong revealing d

