'RUSSEL GUEVARRA' Parang atomic bomb ang bumagsak sa aking harapan nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaki at sobrang engrandeng mansion. Dito pa lang sa loob ng sasakyan, hindi ko na maiwasang kabahan at the same time ay mamangha sa napakalaki at napakagandang mansion na ngayon ko lang makikita sa talang buhay ko. "Breath deeply, Russel. Wag kang kabahan. Nandito lang ako," sabi ni Kuya Theo. Hindi ako nakapagsalita at para akong naputulan ng dila, ang tanging nagawa ko lang ay lumunok at tumango ng bahagya. Matapos niyang magsalita ay bumaba na siya ng sasakyan kaya kung todo hinga naman ako ng malalim. Umikot si Kuya Theo sa side kung saan ako nakaupo at siya na ang nagbukas ng pintuan. "Come, humawak ka na lang sa akin," sabi niya habang nakalahad ang isang palad

