42 | Mansion Tour

2846 Words

'RUSSEL GUEVARRA' Kasalukuyan akong nagbabasa ulit ng mga profile ng mga taong makakasama ko rito sa Villaford mansion nang biglang mag-ring ang phone ko. Sandali akong tumigil sa pagbabasa at dinampot ang phone na nasa ibabaw ng mesa sa sulok. Sa sobrang bongga nitong room ni Terry, may sarili na siyang living area rito sa loob. Pagkakita ko ng caller ay napatili kaagad ako at nagtatakbo pabalik sa kama saka tinanggap ang video call request ni Ate Rhea. "Ate! Hello! Ang chaka mo. Mukha kang dragon!" Tili ko habang gumugulong-gulong pa sa ibabaw ng kama sa sobrang saya. "Walang hiya ka talaga! Ngayon na nga lang tayo magkakausap aasarin mo pa ako," sabi naman ni Ate. "Saka saglit nga, bakit ganyan ang ayos mo? Ang haba ng buhok mo." Umayos ako ng pagkakadapa at saka muling humarap s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD