'RUSSEL GUEVARRA' Tahimik lang akong nakasunod kay Kuya Trestof habang hila-hila niya ako papunta raw sa room ni Daddy Timo. Nandito sa fake b*obs ko 'yong kaba pero pinili ko na lang na umaktong kalmado at wag ng pagtuunan ng pansin pa ang kaba, baka kasi ma-compromise pa ang pagmamaganda ko kapag nagpadala pa ako sa kaba. Pagkarating namin sa tapat ng room niya ay kumatok muna sandali si Kuya Trestof saka siya sumilip sa sa loob. "Hey, Dad. How are you feeling? I'm with Terry," sabi ni Kuya Trestof. "I'm getting better. Come in." Rinig ko namang sagot ng Dad niya. Binuksan ni Kuya Trestof ang pinto ng tuluyan saka saglit na tumingin sa akin. Nakailang inhale exhale muna ako saka ako naunang pumasok. Kumpara sa room nila Kuya Trestof at maging ang kay Terry– ang space ng room ni Dad

