'RUSSEL GUEVARRA' Alas nuebe na ng gabi pero halakhak pa rin ako ng halakhak at parang sinasapian na naman habang gumugulong-gulong sa malambot na kama ni Terry. Keber lang naman ako sa pagtili-tili at paglulupasay dahil sound proof naman ang room ni Terry. "Hoy, Bakla ka! Umayos ka nga ng upo at kunakaway na 'yang sumpa mo in between your legs! Ang sakit mo sa pelvic bone!" Awat na sa akin ni Meme Cardi na kausap ko sa laptop via video call. Umayos naman ako ng upo at inayos ang nighties na suot ko na lumislis na kaka-gulong. Sumisilip tuloy ang masamang balita. "I'm sorry, Meme. Kasi naman hindi lang talaga ako makapaniwala na–" "Na go-gora-bells kayo sa hometown province mo. Pak Inamerz ka! Pang-365 times mo ng sinabi iyan 'no," sabi ni Meme Cardi na pumutol sa pagsasalita ko. Dah

