'RUSSEL GUEVARRA' Matapos akong ipakilala ni Jun-jun sa mamaw na nagle-lead sa The Bang Gang ay hindi na ako nakaimik sa sobrang kaba. May mga hinihintay pa raw na ibang kasama kaya medyo tumagal din ang pagsiksik namin sa isang madilim na sulok. "Ayos na. Nandito na ang lahat," sabi ng isang tuko roon sa leader na mamaw na kamukha ni Hulk pero kulay tae. Tumango lang ang mamaw saka sinuot ang bonet niya. "Maghanda na kayo. Lilipat na tayo sa bahay na target natin," sabi nito sa amin. "Tulad ng napag-usapan, mahahati tayo sa dalawang grupo. Gab, ikaw na bahala sa mga kasamahan mo." "Sige, ako ng bahala," sagot ng isang lalaki na nakataas na ang balikat tapos sobrang payat pa. Siya yata 'yong Gab. 'Sure bang makakabuhat pa ang isang iyan? Parang kahit microwave oven ay ikababaklas n

