'RUSSEL GUEVARRA' Kabang-kaba at halos maihi ako sa kinauupuan kong bench sa tapat ng park kung saan ako kinaladkad ni Jun-jun kanina. Parang gusto ko na nga lang tumakbo at magtago sa manhole na nagkalat sa paligid habang wala pa 'yong taong nagpapakabog ng dibdib ko sa sobrang kaba ngayon. " Shuta talaga 'yong Jun-jun na iyon! It's his fault. Kung hindi niya ako kinaladkad na parang isang kaladkaring babae kanina di sana'y hindi ako malalagay sa life and death situation na ito ngayon," bulong ko sa sarili ko dala na nga ng untameable na kaba. Sa sobrang kaba ay napasubsob na lang ako sa hand rest ng bench at nanalangin na wag akong bugbugin ng sermon mamaya. Paano ba naman kasi, tumawag na si Kuya Theo kanina noong tinakasan ko na si Jun-jun, hindi ko nga kasi namalayan ang oras. 1

