'RUSSEL GUEVARRA' Natulala ako at hindi nakapagsalita sa kaniyang sinabi. Bagsak lang ang aking bibig habang kumakabog ng malakas ang aking dibdib. Hindi ko maunawaan ang aking sarili at kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa pag-amin niya. Basta natutulala na lang ako at hindi na nararamdaman ang pag-uga niya sa akin. Nagising lang ang diwa ko nang biglain niya ang pagtulak sa akin na akala ko ay ikakasubsob ko sa lupa pero hindi naman dahil nahawakan niya rin ako kaagad. "Ahhh! Shuta ka! Muntik na akong masubsob!" sigaw ko sa kaniya sabay balibag ng isang pirasong fishball. "Natulala ka na kasi," sabi niya na tatawa-tawa pa. "Sampu't kalahating g*go ka pala eh! Magsasabi ka na "gusto mo ako" tapos ini-expect mo hindi ako matutulala? Pucha pink ka! Gustuhin mong mukha mo!" Sinub

